-- Advertisements --

Iniulat ni Philippine Coast Guard spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na wala ng barko ng China ang namataan sa may Philippine Rise ngayong araw ng Biyernes.

Sa kabila nito ay nagpapatuloy pa rin ang pagpapatrolya at pagmonitor sa PH rise.

Una na ngang nagpadala ang PCG noong Lunes ng isa sa pinakamalaki nitong barko na BRP Gabriela Silang sa northeast corner ng mayamang karagatan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas para sa 2 linggong misyon.

Ipinadala ang 84 meter vessel sa lugar kasunod ng napaulat na presensiya ng 2 research vessels ng China.

Subalit ayon kay PH Navy spokeperson for the West PH Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na ang 2 research vessel ng China ay umalis na sa EEZ ng bansa noong Linggo.