-- Advertisements --

Pormal nag-hain ng petition for wage increase ang TUCP ngayong araw para sa dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon (CALABARZON).

Ang naturang petisyon ay ihahain sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board Region 4A na nakabase sa Calamba City, Laguna.

Binigyang-diin ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo, na hindi na sapat ang P400 sahod ng mga manggagawa sa naturang rehiyon para sa kanilang gastusin.

Nagkaroon na umano ng ilang ulit na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ilang bilihin at maging ang mga bayarin sa serbisyo, ngunit nananatili lamang ang arawang kita sa P400.

Hangad naman ng mga manggagawa na madesisyunan ito ng wage board sa lalong madaling panahon.