Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Zamboanga Peninsula ay naglabas ng mga utos sa pagtaas ng sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at mga kasambahay.
Ang nasabing kautusan ay magkakabisa sa Nobyembre 12.
Sa Wage Order No. RIX-22, ang board ay nagbigay ng P30 na pagtaas sa minimum wage ng mga manggagawa.
Ang ikalawang tranche ng wage hike na nagkakahalaga ng P13 ay ipagkakaloob sa mga retail/service establishments na nagpapatrabaho ng 10 hanggang 30 manggagawa simula Pebrero 1, 2024.
Ang wage order ay inaasahang direktang makikinabang sa 56,848 minimum wage earners sa nasabing rehiyon.
Ang monthly wage rate para sa mga chartered cities at first-class municipalities sa rehiyon ay magiging P4,600 at P4,100 para sa iba pang munisipalidad.
Sa naturang wage hike, ang pang-araw-araw na minimum na sahod ay nasa P381 na para sa non-agriculture sector at retail/service establishments na may 31 o higit pang manggagawa at P368 para naman sa sektor ng agrikultura.