-- Advertisements --

Nag abiso ang National Wages and Productivity Comission na pagtuonan ng pansin at tugunan ang wage distortion sa mga kumpanya.

Nakapaloob sa naturang abiso ang labor code na nagbibigay ng suggested formulas at sample computations para matugunan ang wage distortion.

Ito ay matapos ang pagtaas ng minimum wage sa Metro Manila.

Ayon sa wage board, nararapat lang na maayos ang problema sa pasahod sa mga kumpanya para mapanatili ang morale ng mga empleyado at magkaroon ng maayos na pagtatrabaho.

Giit pa ng National Wages and Productivity Comission, sakaling may kaharapin na wage distortion concerns ang mga kumpanya, humingi lang ng gabay o di kaya ay technical assistance sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.