-- Advertisements --
VP sara

Malugod na tinanggap ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang petition for certiorari na inihain ng mga legal at economic expert na humihiling sa Korte Suprema na ideklara bilang labag sa konstitusyon ang paglilipat ng P125-million confidential funds sa kaniyang opisina noong Disyembre 2022.

Sa naturang petisyon, hiniling din sa Kataas-taasang hukuman na ipag-utos ang pagbabalik ng mga pondo sa kaban ng bayan.

Umaasa naman ang Ikalawang Pangulo na magiging daan ang dunong ng Korte Suprema upang tuluyang matuldukan na ang usapin sa kontrobersiyal na confidential funds.

Sa ibanahaging video message ng DepEd, sinabi ni VP Sara na dapat pagtuunan na lamang ng pokus ang iba pang bagay na makakaapekto sa mga estudyante, guro, at sa pangkalahatang kalagayan ng edukasyon sa bansa.

AV VP at Educ. Sec. Sara Duterte

Tinukoy bilang mga respondent sa naturang petisyon ang Office of the Vice President (OVP), Department of Budget and Management (DBM), at ang Office of the Executive Secretary.

Nitong araw ng Martes nang inihain ng dating mga opisyal ng gobyerno ang naturang petisyon kabilang sina dating Finance Undersecretary Cielo Magno at dating vice presidential spokesperson Atty. Barry Gutierrez, dating Commission on Elections (Comelec) chairperson Christian Monsod at dating Comelec commissioner Gus Lagman.

Matatandaan na nag-ugat ang isyu sa naging kahilingan noon ng OVP para sa confidential funds matapos na maupo sa pwesto si VP Sara.

Inaprubahan ito ng OP saka inilipat ng DBM, at ginastos ng OVP sa loob lamang ng 11 araw.