Pinuna ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa diumano’y pag-“gaslight” sa kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos matapos nitong igiit na hindi karaniwan sa kapatid ang magparatang sa kanya ng pagiging drug addict.
Sinabi ni Duterte na narinig niya ang pahayag ng Pangulo na hindi raw karaniwan sa senador na magsinungaling laban sa kanya at sa pamilya.
Paliwanag niya, kapag sinasabi ng mahal sa buhay na may problema ka, sasabihin ng isang drug addict na ikaw ang may problema at hindi siya, at ginagaslight nila ang mga nagmamalasakit sa kanila.
Binigyang-diin din ni Duterte na mali para kay Marcos na magpanggap na hindi siya drug addict noong 2022 para hikayatin siyang maging running-mate nito.
Noong nakaraang INC rally, iginiit ni Sen Imee na drug addict ang Pangulo at sinabi rin na sangkot sa droga sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Rep. Sandro Marcos. Pumasagot ang Pangulo na parang hindi siya ang nagsalita sa podium at nagpahiwatig na nag-aalala ang pamilya para sa kanya.(report by Bombo Jai)
















