-- Advertisements --
Naniniwala si Vice President Sara Duterte na may pag-asa pa ang Pilipinas kung hindi susuko ang mga mamamayan sa kaguluhan, pang-aapi, at kawalan ng pag-asa.
Ginawa ng Bise Presidente ang pahayag sa kaniyang pagdalo sa 60th Araw ng Nunungan sa Lanao del Norte.
Binigyang-diin din niya na makakamit lamang ang pag-asa kung hindi hahayaan ang ating bansa na manatiling mahirap at maprotektahan ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Samantala, pinuri rin niya ang transpormasyon ng Nunungan mula sa pagiging pugad ng rido o clan feud tungo sa pagiging modelo ng kapayapaan at kaunlaran.
Ayon sa Bise Presidente, kapayapaan ang pangunahing susi bago makamit ng komunidad ang progreso sa ekonomiya
















