-- Advertisements --
Mayroong hanggang sa Hunyo 1 si Vice President Sara Duterte na sagutin ang kaniyang impeachment case.
Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, na natanggap na ng Bise Presidente ang summons mula sa Senado.
Nabigyan na rin nila ng receiving copy ang House prosecution panel.
Dagdag pa ni Cayetano na dakong alas-10:40 ng umaga ng natanggap ng kampo ni Duterte ang nasabing summons.
Sa ilalim ng impeachment court ang mga respondents ay nabigyan ng 10 calendar day mula sa pagkatanggap ng kanilang summons para maghain ng official defense.
Paliwanag ng Senate President na ang eksaktong 10 araw ay nataon sa weekend at base sa parliamentary procedure ay maaaring iurong ang deadlines.
















