-- Advertisements --

Mananatiling caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa Vietnam si Pangulong Fedinand Marcos Jr para sa 3 araw na official visit, mula Enero 29 hanggang 31.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy sa gitna ng mga verbal tirade laban sa Marcos.

Sa katunayan, nakiisa at dumalo si VP Sara nitong linggo sa inilunsad na brand of governance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na Bagong Pilipinas kick-off rally. Bagamat hayagan ding sinabi ng Bise-presidente na tutol ito sa Charter-change.

Nitong linggo din ng akusahan ni dating Pang. Rodrigo Duterte si Pang. Marcos na nasa watchlist umano ng PDEA sa illegal drugs subalit agad naman itong pinabulaanan ng ahensiya.

Ang kapatid naman ni VP Sara na si Davao Mayor Sebastian Duterte ay sinabihan si Pang. Marcos na magbitiw kung hindi nito mahal ang bansa at walang aspirations para sa bansa.

Dismayado ang mambabatas dahil sa kasalukuyang estado ng bansa partikular sa napaulat na paglaganap ng illegal drugs at various crime incidents sa buong bansa