-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ni Vice President Leni Robredo ang pagsampa ng kaso laban sa mga tao na nagpapakalat ng maling impormasyon at naninira sa kaniya at sa miyembro ng pamilya nito.

Sinabi ni Robredo na karamihan sa mga fake news na kumalat laban sa kaniya ay bago pa maganap ang May 2022 elections.

Nakausap na rin aniya nito ang grupo ng kaniyang abogado para pag-aralan ang pagsasampa ng kaso sa mga tao na nasa likod ng pagpapakalat ng fake news.

Ayon naman sa legal counsel ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na dapat mabigyan leksyon ang sinumang magpapakalat ng fake news.

Kahit na tapos na ang halalan ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang monitoring sa pagpapakalat ng mga pekeng balita.