-- Advertisements --
Bumisita ang mga miyembro ng Black Eyed Peas na sina will.i.am, Taboo, at Apl.de.ap sa Pampanga, ang bayan ng Filipino-American na si Apl, bago ang kanilang concert sa Manila noong Miyerkules, Agosto 27.
Dinalaw nila ang kalye na ipinangalan kay Apl.de.ap at kumain ng tradisyonal na pagkaing Pinoy gaya ng adobo at sinigang na inihanda ng ina ni Apl.
Sa kanilang concert sa Manila, nakasama nila ang K-pop star na si Sandara Park at Filipino-American rapper na si EZ Mil. Bahagi ito ng kanilang international tour na nag-performed na rin sa Singapore, Thailand, Indonesia, Saudi Arabia, at U.S.
Sikat ang grupo sa mga kantang “Where Is the Love?”, “I Gotta Feeling,” at “Boom Boom Pow.”