Inanunsyo ni US Vice President Mike Pence na sasailalim ito at ang kaniyang asawa sa coronavirus testing matapos makumpirma na isa sa mga staff ni Pence ang nagpositibo sa virus.

“I’m pleased to report that he is doing well,” saad ni Pence tungkol sa kaniyang staff.

Dagdag pa ng bise-presidente na kumpleto na ang contact-tracing at hindi ito nagkaroon ng direct contact sa naturang aide.

Nagbigay naman ito ng panibagong detalye tungkol sa bilang ng mga Amerikano na sumailalim na rin sa test. Aniya, halos 195,000 katao na ang nagpa-test, hindi pa kasama rito ang mga nagpa-test sa county hospitals at health care laboratories. Lumobo naman sa 19,350 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus.