Hindi naitago ni Vice President Leni Robredo ang kanyang galak bilang “proud mom” matapos gumraduate ang ikalawa niyang anak sa Ateneo de Manila University.
Sa kanyang online post, binati ng pangalawang pangulo ang kanyang anak na si Tricia Robredo na nagtapos ng double degree na Doctor of Medicine (MD) at Master in Business Administration (MBA) mula sa Ateneo School of Medicine and Public Health.
“Finally, it’s official. Apologies for being a proud mother.”
Hindi naman din makapaniwala si Tricia sa kanyang tagumpay, lalo na’t nasa gitna pa ng krisis ng COVID-19 pandemic ang bansa.
“Thousands unemployed in the middle of a pandemic, press freedom threatened, personal interests prioritized over public health. And the list goes on,” ani Tricia sa hiwalay din na online post.
Kasabay nito, nangako ang vice presidential daughter na gagamitin niya ang tagumpay para makatulong sa kasalukuyang sitwasyon.
“I did not go through six years of medicine just to take this injustice sitting down. Now more than ever, one big fight.”
Nagpasalamat din si Tricia sa kanyang ina, mga kapatid na sina Aika at Jillian, at yumaong ama na si dating Interior Sec. Jesse Robredo.