Nais ni VP-elect Sara Duterte-Carpio na magkaroon ng permanenteng opisina ang tanggapan ng ikalawang Pangulo ng bansa o Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay VP Sara, pansamantalang gagamitin muna ng kaniyang team ang Quezon City Reception House bilang OVP headquarters subalit tinitignan pa ang ibang posibleng lugar kung saan kayang maaccommodate ang lahat ng empleyado ng OVP kabialng na ang organic personnel s ailalim ng OVP.
Magsisilbing singular project umano ito ng OVP na kanilang iiwan matapos ang anim na taong termino at umaasang pakikinabangan ng mga susunod na bise presidente ng bansa.
Ilan sa mga nagdaang ikalawang pangulo ng bansa ay ginamit ang Legislative Building na ngayon ay National Museum, Philippine International Convention Center, Philippine National Bank Building; the Coconut Palace; at ang Quezon City Reception House bilang OVP headquarters.
Liban pa sa pagkaakroon ng permanenteng OVP, plano din ni Duterte na iimplementa sa national level ang ilan sa kaniyang mga programa sa Davao City.
Kabilang dito ang peace building sa komunidad, responsible parenrhood, edukasyon at ang “Magnegosyo ‘Ta Day na layong makapagbigay ng small business loans para sa mga kababaihang nais na magpatayo ng kanilang sariling negosyo
-- Advertisements --