Plano ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na gawing maikli lamang ang kaniyang speech para sa kaniyang inagurasyon bukas sa Davao City.
Sa kadahilanang posibleng pagbabago ng lagay ng panahon.
Sesentro ang magiging speech ni VP-elect Sara katulad ng kaniyang tinuran ng siya pa ay nangangampaniya, ito ay kung ano ang dapat na gawin natin bilang isang bansa.
Bagamat pagsisiwalat ni VP Sara na tinatapos pa niya ang kaniyang magiging inaugural speech at sinabing siya mismo ang susulat ng kaniyang speech.
Ibinahagi din ni VP Sara na kaniyang napili na isagawa ang kaniyang panunumpa bilang ikalawang pangulo ng bansa sa kaniyang hometown dahil batid nito na isang karangalan para sa Mindanaoans na mayroong bise presidente na galing mula sa Mindanao.
Samantala, kinumpirma naman ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagsilbi din bilang ikalawang pangulo ng bansa na dadalo ito sa inagurasyon ni VP Sara.
Mayroon ding apat na ambassadors, gobernador at congressmen at iba pang pulitiko ang magtutungo sa Davao City para sa inagurasyon ni VP Sara.