Nakipagpulong si VP at Education Secretary Sara Duterte kay Republic of Korea Deputy Prime Minister at Minister of Education Ju-ho Lee sa Seoul, South Korea para talakayin ang mga usaping may kinalaman sa edukasyon.
Sinabi ni Duterte na ito ay isang pagkakataon upang malaman ang tungkol sa sistema ng edukasyon ng iba’t ibang bansa, kung isasaalang-alang na siya ay nagsisilbi kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng Pilipinas, at ang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council. .
Kabilang sa tinalakay ng mga matataas na opsiyal ay ang pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon ng Pilipinas.
Sa talakayan, inihayag ni Lee na kasalukuyang isinusulong ng South Korea ang digital innovation sa pamamagitan ng digital technology sa larangan ng edukasyon.
Lumipad si Duterte patungong Seoul upang magsilbi bilang isa sa mga pangunahing tagapagsalita para sa Global Education and Innovation Summit (GEIS), na gaganapin ngayong araw.
Humigit-kumulang 200 pinuno ng pandaigdigang edukasyon, at mga eksperto ang inaasahang dadalo sa summit upang magbahagi ng mga karanasan at mga halimbawa ng mga pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa edukasyon.
Nakatakdang tapusin ni Duterte ang kanyang opisyal na biyahe sa South Korea sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga miyembro ng Filipino community.