-- Advertisements --
VP SARA

Binigyang-diin ni VP at Education Secretary Sara Duterte ang papel ng mga guro sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na sinabing hindi lamang sila mga tagapagturo kundi mga ahente din ng pagbabago at mga pinuno ng komunidad.

Sinabi ni Duterte na ang mga guro ay nagtataglay ng natatanging pananaw at pag-unawa sa mga pangangailangan at adhikain ng mga barangay.

Sa pamamagitan aniya ng pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya, nagkakaroon sila ng pananaw sa mga hamon na kinakaharap ng mga komunidad at ang mga pagkakataon para sa paglago at pag-unlad ng kanilang nasasakupan.

Matatandaan na noong Marso, umapela si Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na ibigay nang maaga ang honoraria para sa mga guro na magbibigay ng serbisyo para sa BSKE na itinakda sa Oktubre 30.

Bilang tugon, sinabi ni Comelec chairman George Garcia na habang posible ito, nasa Commission on Audit (COA) pa rin ang pinal na desisyon.

Ang mga gurong magsisilbing poll worker para sa 2023 BSKE ay tatanggap ng P8,000 hanggang P10,000 bilang honoraria, na mas mataas sa dating P4,000 hanggang P6,000.