-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Sisimulan na ang voter registration sa ibang bansa sa Disyembre 9 ng kasalukuyang taon.

Ito ang kinumpirma ni Commission on elections (Comelec) Chairman George Garcia.

Isasagawa din ang overseas voter registration sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan sa kaparehong petsa.

Samantala ang voter registration period naman sa mga embahada na nag-ooperate mula linggo hanggang araw ng huwebes ay magsisimula sa Disymebre 11.

Ayon naman kay Office of Overseas Voting Director Sonia Bea Wee-Lozada, maaari ng magaparehistro para sa overseas voting sa Maynila ang mga Pinoy na aalis o maabutan na nasa abroad sa mismong araw ng halalan sa taong 2025.

Magtatagal ang overseas voting registration period hanggang sa Setyembre 30, 2024.