Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na mareresolba na nila sa lalong madaling panahon ang mga kaso ng vote buying sa bansa.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na malaki ang tiyansa na madesisyunan ang mga kaso ng pagbili at pagbenta ng boto dahil 17 kaso lamang ang nakasampa sa kanila.
Aniya ang bilang ng kaso ang isa sa mga dahilan kung bakit mabagal ang takbo ng mga vote buying and selling cases noong mga nakaraang taon.
Dagdag ni Laudiangco na masyadong komoplikado ang pag-iimbestiga at mga sitwasyon sa kaso ng vote buying.
Dahil dito, hinihikayat ng opisyal ang mga tao na nagrereklamo ng vote buying na lumutang at maglabas ng ebidensiya.
Kung mayroon daw video evidence ng mismong vote buying ay isumite ito sa Comelec para mas mapabilis ang desisyon hinggil dito.