-- Advertisements --
Isa ng ordinansa sa Lungsod ng San Juan ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor setting.
Ang City Ordinance 54 series of 2022 ay pinirmahan na ni San Juan City Mayor Francis Zamora bilang pagtitibay sa Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Laman ng ordinansa na mabibigyan ng kalayaan ang mga residente na magsuot ng face mask o hindi magsuot kapag nasa loob o labas ng establishimento.
Nakasaad din sa ordinansa na mahigpit din ang pag-uutos na dapat magsuot ng face mask kapag sila ay nasa loob ng mga healthcare facilities, medical transportation at pampublikong sasakyan.
Hinihikayat din nila ang mga senior citizens, mga buntis, may commorbidities at hindi pa bakunado ng COVID-19 na magsuot pa rin ng face mask.