Nais ng panel of experts mula sa Japanese government na isulong ang voluntary cancellations at pagsuspinde sa mga events para makatulong na huwag nang kumalat pa ang coronavirus sa bansa.

Pinamunuan ito ni Takaji Wakita, director-general ng National Institute of Infectious Diseases.

Ayon sa panel, naging matagumpay umano ang bansa na kontrolin ang coronavirus outbreak ngunit nagbabala ang mga ito na kung may mga lugar na tumaas ang bilang ng mga pasyente at hindi malinaw ang direksyon nang pagkalat ay posible itong mauwi sa mas malalang epidemya.

Iginiit din ng mga ito na kailangang magkaroon ng malinaw na pagtugon ang bawat lungsod sa sitwasyon.

Bawat pinuno rin ay inaatasan din na suriin ng mabuti ang sitwasyon bago magdeklara ng state of emergency sa kani-kanilang mga lugar at mag-request ng voluntary cancellations at pagsuspinde sa mga events sa buong bansa.