Pumalo na sa 98% ng bilang ng mga sasakyan bago pa man nagsimula ang COVID-19 pandemic ang dumadaan ngayon sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA traffic chief Bong Nebrija na 399,000 sasakyan ang na-monitor nilang dumadaan sa EDSA kamakailan.
Bago nagkaroon ng pandemya, aabot ng 405,882 sasakyan ang gumagamit ng EDSA, ayon kay Nebrija.
Gayunman, kung titingnan, bumubuti na rin naman aniya ang traffic situation sa EDSA dahil hindi na rin nakakaranas ng traffic congestion ang mga motorista na kasing lala bago pa man nagkaroon ng pandemya.
Resulta ito aniya ng ng adjustments na ginawa sa mga lanes at ruta sa mga pangunahing daanan tulad na lamang ng bus ways, pagbabawas sa bilang ng mga ruta, at bike lanes.