-- Advertisements --

Nagbabala ng posibleng pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang Pagasa dahil sa pumasok na low pressure area (LPA).

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 820 km sa silangan ng Davao City.

Kabilang naman sa mga lugar na uulanin ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, SOCCSKSARGEN at Davao Region.

Posible ring maging bagong bagyo ang LPA na ito sa mga susunod na araw.

Samantala, hanging amihan naman ang nakakaapekto sa Luzon, kung saan malamig na hangin at ulan ang ihahatid nito.