-- Advertisements --

Inanunsyo ng India ang pansamantalang suspensyon ng mga visa sa loob ng isang buwan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus infectious disease (COVID-19).

Tatagal naman hanggang Abril 15 ang suspensyon sa visa free travel na ibinibigay para sa mga overseas citizens ng naturang bansa.

Ang nasabing hakbang ay biglang paghahanda ng India sa magiging epekto sa turismo ng coronavirus outbreak sa hotel at aviation industries.

Sa ngayon ay mayroon nang 60 kumpirmadong kaso ng virus sa India.

Inaasahan umano ng health ministry ng bansa ang posibilidad na lumobo pa ang bilang ng mga taong maapektuhan ng sakit.

Gayunpaman, tanging diplomatic, official, employment at project visa lamang ang exempted sa visa suspension na nakatakda namang talakayin sa mga susunod na araw.