Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Nasa kustodiya na ng Explosive Ordnance Disposal unit ng Surigao City Police Station ang isang vintage bomb matapos mahukay sa likurang bahagi ng Surigao City City Hall.

Pasado alas-4:30 ng hapon nang mahukay ito sa bisinidad ng Surigao City Crisis Center particular sa may Parrucho Street, Barangay Washington, habang naghuhukay sana ang construction worker para sa itatayong haligi.

Ang naturang bomba ay may habang 23 pulgada at may tatlong pulgadang diametro na dali namang ini-report sa pulisya kung kaya agad na inaksyunan.