Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi magkakaubusan ng suppy ng bigas ang bansa dahil sa pangako ng Vietnam na patuloy na rice supply sa Pilipinas.
Ayon kay Sec. William Dar, natanggap na niya ang sulat ni Vietnamese Deputy Minister for Agriculture and Development Le Quoc Doanh, kung saan nakasaad ang pangakong pagtugon sa existing bilateral agreement.
Mahalaga raw ang pagtanaw ng Hanoi sa kasunduan nito sa Pilipinas dahil hindi lang ekonomiya ang kanilang binibigyang importansya, kundi pati na rin ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
“The government of Vietnam always considers rice trading with the Philippines is not only of economic importance, but also of significance for our good diplomatic relations between the two nations,” ayon kay Le.
Inamin ni Sec. Dar na bigong madeliver kamakailan ang nasa 1.38-million ton ng bigas na inimport ng mga Pilipinong traders.
Kasama sa hindi nai-deliver ang 1.25-million ton rice mula Vietnam.
Target ng gobyerno na mag-import ng 300,000-toneladang bigas para masigurong sapat ang domestic supply sa gitna ng pagkalat ng COVID-19.