-- Advertisements --

Tinanggal na ng Canadian pornography streaming websites na Pornhub ang video sex scandal ng senior high school students mula sa private schools sa Cagayan de Oro dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng PNP Anti-Cybercrime Group-10 sa Northern Mindanao.

Sinabi ni Staff Sgt. Ritchel Tesoro, ACG 10 investigators, na agad silang nakipag-ugnayan sa nasabing website dahil na rin hiling ng ama ng 17-anyos na senior high school student.

Nauna ng naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation ang ama ng biktima laban sa dating kasintahan ng anak dahil sa pagpapakalat ng nasabing sex video.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagbibigay paalala ng mga kapulisan na may kakaharaping kaso ang sinumang magpapakalat ng mga sex scandal.