-- Advertisements --

Isinara ng kapulisan sa Hong Kong ang malaking bahagi ng Victoria Park.

Ang nasabing pagsasara ay isang gabi bago sa ika-33 anibersaryo ng pag-alala ng Tiananmen square crackdown sa Hunyo 4.

Una ng nagbabala ang mga otoridad na kanilang aarestuhin ang mga magtitipon at magsasagawa ng kilos protesta sa nasabing lugar.

Hanggang umaga ng Linggo ay isasara ang nasabing lugar para maiwasan ang pagsagawa ng kilos protesta.

Magugunitang marami ang nasawi sa lugar noong June 4, 1989 ng magsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan matapos na magdeklara ng martial law ang China na may hawak noon pa ng China.