Muling nabigo ang San Antonio Spurs na makapag-uwi ng panalo matapos itong talunin ng 2023 defending champion na Dnver Nuggets.
Ito ay sa kabila ng double-double performance ng 2023 No.1 overall pick na si Victor Wembanyam, 22 pts, 11 rebs.
Hindi nagawa ng Spurs na pigilan ang Denver bigman na si Nikola Jokic sa kanyang 39 points 11 rebounds at siyam na asissts.
Kumamada rin ng 25 points ang 2nd scorer ng Denver na si Michael Porter Jr, kasama ang pitong rebounds.
Naging bentahe ng Denver ang magandang scoring percentage ng mga ito kung saan kabuuang 50 shots ang nagawa nilang maipasok mula sa 89 attempts.
Ito ay katumbas ng 56.2%.
Ang pagkatalo ng Spurs ay ang ika-14 na pagkatalong nalasap ng naturang koponan ngayong season habang 11 – 6 ang hawak ng San Antonio.