Hindi pa ring nawawalan ng pag-asa si Vickie Rushton na matupad ang pangarap na maging Binibining Pilipinas.

Ito ay matapos na nagsumite siya ng aplikasyon sa pageant.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng larawan na nagpapasalamat sa kaniyang mga fans na nagbigay ng suporta para sa kaniyang pagsabak sa pageant.

Magugunitang nabigong makuha nito ang titulo noong sumali siya sa taong 2018 at 2019.