-- Advertisements --

sara2

Binisita ni Vice President Sara Duterte ang mga residente ng Barangay Tangos North, Navotas City para mamahagi ng regalo.
Ayon sa Office of the Vice President nasa mahigit 600 na mga mangingisda at residente ng nasabing lugar ang nakatanggap ng “Pasasalamat” gifts.

Kabilang sa ipinamigay ni VP Sara sa mga residente ang food packs, face mask, alcohol at school supplies.

Ang gift giving ay bahagi ito ng pasasalamat ni VP Sara sa suportang ipinakita ng mga taga-Navotas sa kaniya noong nakaraang eleksyon.

“Ang makakapagbago po ng buhay natin ay yung kagustuhan natin na magtagumpay sa kung ano ang gusto nating gawin para sa ating sarili at sa ating pamilya,” pahayag ni VP Sara.

Sa pamamagitan ng “PagbaBAGo campaign” ay pinayuhan din ng pangalawang pangulo ang mga kabataan ng Navotas na mag-aral nang mabuti upang makamit ang mga pangarap sa buhay.

Nilinaw naman ni Navotas City Representative Toby Tiangco na sariling desisyon at initiative ni VP Sara ang pagbisita sa lungsod para maghatid ng regalo na mula sa donasyon.

Ang mga regalo ay donated ng isa sa kaniyang kaibigan na nais ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang nanay sa mga bata sa Navotas.