-- Advertisements --

Bumiyahe sa ibang bansa si Bise President Sara Duterte.

Ayon sa Office of the Vice President, na magtutungo ang Bise President sa mga bansa ng Qatar, The Netherlands at sa United Kingdom.

Dadalo ito sa iba’t-ibang forum, mga Filipino community events at ibang mga aktibidad.

Paglilinaw din ng Office of the Vice President na walang anumang pondo mula sa gobyerno ang ginamit sa kabuuang biyahe nito.

Kahit wala aniya ang Bise Presidente sa bansa ay nananatiling bukas ang kanilang opisina para magbigay ng tulong gaya ng pagresponde sa mga disaster response mula sa 10 satellite offices nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.