Maging mga celebrity ay kanya-kanya ring paraan sa pag-iwas sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Tulad na lamang ni Vice Ganda na humingi ng paumanhin sa fans dahil sa nakalipas na mga araw aniya ay sadya niyang tinatanggihan kapag nagre-request ng selfie kasama siya.

Sa post ng 43-year-old TV host/comedian, idinahilan nito ang “social distancing” na
ipinapatupad ng mga health authorities bilang infection control actions.

Vice on COVID

Nangangahulugan ito ng pag-iwas sa malapitang personal interactions, hindi pagpunta sa matataong lugar, bagkus ay pananatili muna sa bahay kung walang mahalagang lakad.

Para sa World Health Organization, masasabing ligtas na distansiya ang isang metro o three feet mula sa isang taong bumabahing, umuubo, o may sakit kahit nakasuot ng face mask.

Samantala, nilinaw ni Heart Evangelista na sariling design nito ang kanyang mga face mask sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon sa 35-year-old actress, ginawa lamang niyang “stylish” ang kanyang mask gaya ng paglagay dito ng mga lumang ribbon mula sa mga paper bag.

Ilan kasi sa mga design ng face mask ni Heart ay ribbon ng mga mamahaling boutique.

Heart on elegant masks

“You just have to be creative,” saad nito sa kanyang IG stories. “We are making ourselves fashionably safe.”