DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte na hindi rin siya makakadalo sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay Baste, hindi siya makakapunta sa SONA para dumalo naman sa regular session ng Sangguniang Panlunsod ng Davao sa Martes.

Nakakapagod umanong bumiyahe ng maaga mula Maynila pabalik sa Davao para lamang dumalo sa sesyon.

Nauna nang sinabi naman ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na maging siya ay hindi rin makakapunta sa SONA ng kanyang ama dahil naka-medical leave daw siya sa ngayon.

Matatandaan na sa SONA ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon, dumalo ang buong miyembro ng kanyang pamilya.