Namigay ng hygiene kits si Cotabato Vice-Governor Emmylou”Lala”Taliño Mendoza sa mga Covid 19 checkpoint sa probinsya ng Cotabato.

Mismong si Cotabato Ist District Board Member Rosalie “Rose”Cabaya ang nag-abot ng mga hygiene kits sa mga frontliners sa bayan ng Aleosan mula kay Vice-Gov Mendoza.

Ito ay tulong ni Mendoza sa mga tinaguriang bagong bayani na lumalaban araw at gabi para mapigilan ang pagkalat sa nakakahawang sakit.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ay mga serbisyong totoo jackets, facemask at hand sanitizers.

Nilibot ni BM Rose Cabaya ang lahat ng Barangay sa bayan ng Aleosan at binigyan ng hygiene kits ang mga frontliners.

Namahagi rin ng hand sanitizers si BM Cabaya sa mga nagtitinda sa palengke para mapanatili ang kalinisan sa pamilihang bayan ng Aleosan.

Todo pasasalamat naman ang mga frontliners na nabigyan ng mga hygiene kit na malaking tulong sa kanila para sa kanilang kalusugan.