Todo pasalamat si Vice Ganda sa kanyang mga tagasuporta na kasama niyang nanalangin para sa agarang paggaling mula sa dinanas na umano’y food poisoning.

Kahapon nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan ang comedian-TV host, kaya hindi ito napanood sa kinabibilangang noontime show.

Wala namang detalye kung ano ang kinain ni Vice o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay, at kung saang ospital siya nagpagamot.

Sa ngayon ay walang direktang update sa kondisyon ng 43-year-old comedian pero bumuhos ang pasasalamat ng fans na magaling na raw ang idolo.