boxes of donation
Donation of Vice Ganda

Nagbigay naman bilang donasyon si Vice Ganda ng personal protective equipment (PPE), alcohol at disinfectants sa ilang pagamutan sa Metrol Manila.

Sa kaniyang social media post, ipinakita nito ang mga donasyon na ipinasakamay sa apat na ospital sa NCR.

Bawat kahon ay may laman na N95 masks, medical disposable gloves, safety goggles, alcohol at disinfectant sprays.

Ilan sa mga nabigyan niya ng mga ito ay ang Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital at Philippine Children Medical Center sa Quezon City at San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Manila.

Kasabay din nito ay pinasalamatan ng TV host ang mga frontliners dahil sa pagbubuwis buhay para sa tuluyang masawata ang coronavirus sa bansa.