Pumanaw na ang GMA News anchor na si Mike Enriquez sa edad na 71.
Kinumpirma ito mismo sa episode ng GMA News na “24 Oras”
Matatandaan na noong Disyembre 2021, nag-medical leave si Enriquez para sumailalim sa isang procedure na mangangailangan ng matagal na isolation.
Batay sa pahayag ng GMA noong panahon na iyon, si Enriquez ay sasailalim sa isang medikal procedure na mangangailangan ng hospital confinement at, pagkatapos, ay may minimum na tatlong buwan na isolation period ayon daw sa payo ng doktor nito.
Sinabi pa raw ni Mike na inaabangan niya raw ang pagpapagaling na matagal niya nang ipinagdarasal at pinaghahandaan.
Bumalik naman sa trabaho si Enriquez noong Marso ng nakaraang taon, kung saan nag-open siya tungkol sa kidney transplant na kanyang pinagdaan.
Ani Enriquez, mahirap ang kanyang pinagdaanan. Maliban sa mismong procedure ay may tatlong buwan pa siyang mandatory isolation period, para raw maiwasan ang rejection at infection.
Nobyembre rin ng parehong taon ay nag-viral online ang ilang post tungkol sa pagpanaw umano ng beteranong mamamahayag. At mismong si Enriquez naman ang tumawag dito na “fake news,”
Si Enriquez ay pumasok sa broadcast industry taong 1969 at naging parte ng GMA Network noong 1995, naglingkod sa publiko sa loob ng 54 years.