Pinuri ng Department of Health (DOH) ang magandang occupancy rate ng mga isolation facilities sa National Capital Region (NCR) na puro mild at asymptomatic patients ang nagpapagaling.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, 70-percent ang occupancy rate sa World Trade Center; 62.9-percent sa Las Piñas Rehabilitation Center; at parehong 98-percent ang rate ng Quezon Institute at Ninoy Aquino Stadium.
Ang Philippine International Convention Center naman, na partner ng Philippine General Hospital, ay nasa 9.5-percent occupancy rate.
“Kasi maganda ang relationship ng network dito sa Metro Manila with the mega facilities. This is being managed and overseen by the National Task Force. Most probably, ang mga wala sa bahay (para mag-quarantine) nasa mega facilities natin sila,” ani Vergeire.
Batay sa case bulletin ng DOH nitong Huwebes, mula sa 36,459 active cases ay 93.8-percent ang mild cases. Sumunod sa pinakamarami ang mga asymptomatic na 5.5-percent.
Una nang sinaibi ni Vergeire na katuwang nila ng Department of Interior and Local Government sa pagmo-monitor ng mga pasyenteng nag-home quarantine.
Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2020-0160, nagtayo ng Mega Temporary Treatment and Monitoring Facilities sa NCR para sa mild at asymptomatic patients ng COVID-19.