-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Health (DOH) na wala silang nakakaligtaang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa labas ng Metro Manila, sa gitna ng dumaming kaso na naitala sa nasabing rehiyon.

Sa press briefing ng DOH nitong araw sinabi ni Health Asec. Maria Rosario Vergeire na kaya malaking bilang ng 33 confirmed COVID-19 cases ang nasa Metro Manila ay dahil lahat ng ito’y may record ng pagbisita o panunuluyan sa mga lungsod.

Pero hindi umano ibig sabihin nito na nalulusutan ang ahensya ng mga binabantayang kaso sa iba pang rehiyon.

“Dito tayo nakakakita ng mga kaso ngayon because of our main ports that are here, because of people flocking here to these urbanized cities of Metro Manila for business, trade, and all… but there can be other reasons as well,” ani Asec. Vergeire.

“We are not missing out on the other regions. Meron pa rin naman tayong nakukuhang numero galing sa ibang rehiyon,” dagdag ng opisyal.