-- Advertisements --

Nilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi enhanced community quarantine (ECQ) ang estado ng buong Cebu, sa kabila ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Pahayag ito ng opisyal matapos umanong magdulot ng kalituhan ang ulat nito kahapon, June 18, tungkol sa sitwasyon ng probinsya.

Ayon kay Usec. Vergeire, tanging Inter-Agency Task Force (IATF) at ang spokesperson nitong si Sec. Harry Roque lang ang may mandato na magbigay ng anunsyo sa community quarantine implementation.

“Walang katotohanan itong nasabi na ito. We do not have any authority para makapagbigay ng mga ganitong impormasyon,” ani Vergeire sa isang online media forum.

“Not unless they have already given final decision of the IATF.”

Nilinaw ng opisyal na ang Cebu City lang ang naka-ECQ ngayon. Habang modified ECQ ang estado ng Talisay City.

“Ang Region 7 or province of Cebu is still under GCQ (general community quarantine).”