CAUAYAN CITY- patuloy na sinisiyasat ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng isang vendor na natagpuang nakahandusay sa loob ng isang establisyimento sa barangay Alibagu, City of Ilagan.

Ang biktima ay nakilalang si Mario Tumbaga alias Daryo, nasa wastong edad, newspaper vendor at residente ng Lunsod ng Cauayan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ni Milagros Panaga, 62 anyos, caretaker ng AM city Building ang katawan ni Tumbaga sa loob mismo ng nasabing gusali.

Wala namang anumang palatandaan na sinaktan ang biktma.

inaalam pa ng mga otoridad ang maaaring sanhi ng kamatayan nito.