-- Advertisements --

Makalipas ang isang buwan matapos na mahalal sa pinakamataas na posisyon sa Kamara, nanumpa si Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, kasabay nang pagdiriwang niya ng kanyang ika-43 kaarawan.

Idinaos ang oathtaking sa isang private ceremony sa Rizal Hall sa MalacaƱang Palace, na dinaluhan ng asawa ni Velasco na si Rowena, kanyang ama na si Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., at kanyang ina na si Torrijos Mayor Lorna Velasco.

Sa isang statement, sinabi ni Velasco na ikinagalak niyang manumpa sa harap ni Pangulong Duterte, na kanyang hinahangaan at pinagkakautangan ng loob.

Kabuuang 186 kongresista ang bumoto kay Velasco bilang lider ng Kamara noong Oktubre 12 sa session na isinagawa sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.

Nauna na siyang nanumba kay Allan Franza, barangay captain ng Matandang Balara.

Isang araw matapos na maluklok sa puwesto, pinagtibay ng 186 na kongresista sa session sa Plenary Hall ng Kamara ang kanilang botohan.