-- Advertisements --

Naglabas ng mahigpit na pagkondina ang Vatican sa mga nagpapapalit ng kanilang kasarian.

Ayon sa dokumento na pirmado ni Pope Francis na ang anumang uri ng pagpapapalit ng kasarian ay isang banta sa tinatawag na “unique dignity” ng isang tao.

Ang declaration na tinawag na “Dignitas Inifinita” (Infinite Dignity) ay nakatoun sa banta sa dignidad ng tao, kabilang ang kahirapan, death penalty, giyera, assisted dying, abortion, sexual abuse at pang-aabuso sa mga kababaihan.

Magugunitang noon pa man ay mariing kinokondina na ng Santo Papa ang gender ideology na isang hindi maganda ang pagbura sa kaibahan ng babae at kalalakihan.