-- Advertisements --
Pinawi ng Vatican ang pag-aalala ng mga mananampalataya sa kalusugan ni dating Pope Benedict XVI.
Ayon sa Vatican na walang dapat ipag-alala sa 93-anyos na dating Santo Papa dahil maliit lamang ang nasabing sakit.
Mismo ang kaniyang personal secretary na si Georg Gaensewein ang nagtiyak na bumubuti ang kalagayan ng dating Santo Papa.
Ang nasabing pahayag ay taliwas sa unang pagbubunyag ni Peter Seewald ang biographer ni Pope Benedict.
Nagtungo kasi sa Seewald sa kinaroroonan ni Pope Benedict at nakitang mahina na ang kalusugan nito.
Noong Hunyo ay binisita ni Benedict ang kapatid nitong may sakit na si Georg sa Germany na siyang unang biyahe niya sa labas ng Italy mula ng magbitiw ito sa puwesto noong 2013.