-- Advertisements --

Hinimok ng Vatican ang mga Pilipinong Katoliko na magtulungan upang malinis ang mga komunidad mula sa korapsyon, krimen, at diskriminasyon.

Ayon kay Vatican ambassador to the Philippines, Archbishop Charles Brown, kailangan ngayon ng mga komunidad na may kakayahang alisin o pigilan ang korapsyon, krimen, atbpang uri ng pagkakasala tulad ng diskriminasyon.

Kailangan aniyang makipagtulungan ang bawat Pilipino para malabanan ang lahat ng mga problema na nagpapabigat o nagpapasama sa kalidad ng buhay at pangarap ng bawat isa.

Binalikan ni Archbishop Brown ang pastoral vision ni Pope Leo XIV, na humihimok sa bawat Simbahan at sa mga Katoliko na magtulungan sa paggawa ng kabutihan para sa pag-iral ng hustisiya, kapayapaan, at pagrespeto sa karapatan ng bawat mamamayan.

Ginawa ni Archbishop Brown ang panawagan kasabay ng nagpapatuloy na Spiritual Retreat at Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Ozamiz City.

Ang naturang assembly ay dinadaluhan ng mahigit 80 bishop mula sa buong Pilipinas.