-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang pamunuan ng Miss World Philippines Organization matapos tanggalan ng titulo si Vanessa Mae Walters bilang Miss Eco Teen Philippines 2019.

Batay sa nilabas na statement ni Arnold Vegafria, national director ng Miss World Philippines, sinabi nito na may “misrepresentation” sa credentials ni Walters kaya ito tinanggalan ng korona.

Inamin daw kasi ni Walters na 16-anyos pa lang siya, kasabay ng pagbabahagi umano ng hubad na larawan nito sa kanyang social media account.

Bukod dito, nabatid din daw na hindi propesyonal ang pakikitungo nito dahil sa pagwa-walk sa mga meeting at hindi pagsipot sa promotions ng Miss Eco Teen Philippines.

Nakatakda sanang i-representa ni Walters ang Pilipinas sa Cairo, Egypt sa Nobyembre.

Tikom pa ang kampo ng beauty queen kasunod ng insidente.