CAUAYAN CITY- Isang L300 van ang bigla na lamang nagliyab at nasunog habang binabagtas ang kahabahan ng pambansang lansangan na bahagi ng Baligatan, Ilagan City.
Batay sa salaysay ng may ari ng van at tsuper nito na si Ginoong Isagani Punzalan, 65 anyos, may-asawa at residente ng Brgy Alibagu, City of Ilagan, bago ang naturang insidente ay galing siya sa palengke kasama ang apat na iba pa na lulan ng kanyang sasakyan at pauwi na.
Binabagtas nila ang naturang lansangan ay bigla na lamang umusok ang ibabang bahagi ng sasakyan at ng kanyang tinignan ang makina ay nagsisimula na umano itong magliyab.
Inamin ni G. Punzalan na luma na ang kanyang sasakyan at sa grounded ang wirings na maaaring sanhi ng pagkakasunog.
Samantala, batay sa isinagawang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Bureau of Fire o BFP Ilagan City, lumiyab ang makina ng L300 VAN.
Ayon kay SFO1 Wesly Austriaco, bukod sa lumang makina ng sasakyan ay grounded ang wirings sa sasakyan na nagsanhi ng sunog.
Naapula nito ang apoy sa loob ng sampong minuto matapos nilang tugunan ang pangyayari.
Nagpaalala ang BFP Ilagan City sa mga motorista na tiyakin muna nilang maayos ang kondisyon ng kanilang mga sasakyan bago bumiyahe upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.
Wala naman umanong naitalang nasaktan dulot ng pangyayari dahil kaagad na nakalabas ang mga sakay ng nasabing sasakyan bago nasunog.