-- Advertisements --

Pormal nang bumaba sa pagiging Valenzuela 1st District representative si DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Kasabay nito ay nag-courtesy call ang bagong kalihim ng DSWD kay House Speaker Martin Romualdez.

Una nang tiniyak ng House Leader kay Gatchalian na hindi pababayaan ng Kongreso ang kanyang distrito at inaasahan na magtatalaga ng legislative caretaker sa mga susunod na araw.

Sinamantala naman ni Gatchalian na makausap si House Committee on Social Welfare Services Chair Rosanna “Ria” Vergara kung paano pa mapapaigting ang ugnayan ng ahensya at ng Kongreso.