-- Advertisements --

Maglalabas ng kautusan si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na ilibre na ng tatlong buwan sa kanilang renta sa puwesto sa palengke ang mga rice retailers na naapektuhan ng price ceiling.

Sinabi ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na magsisimula ang nasabing paglibre nila mula Oktubre hanggang Disyembre.

Sa nasabing paraan aniya ay maiibsan ng bigat sa gastusin ang mga rice retailers.

Magugunitang hinikayat ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government Unit na tulungan ang mga rice retailers na maapektuhan ng price ceiling na ipinapatupad.